Alay ko sa 'yo
ni JQ Gonzales 

 

Mga ito'y alay ko sa 'yo
tanda ng walang humpay na pagmamahal
na idinulot ng kagandahang aking namulatan
sapol pa nang nakita ko ang isang dilag
na naging sanhi ng di maintindihang damdamin.

Ang damdaming naramdaman
ay katugma pala ng pag-ibig.

Kahit nasaan ka,
malayo man o malapit,
ay nagugunita ang mga alaalang
nag-aalab ng kasiyahan at katapatan.
Hindi kita malilimutan

03.94

LISTEN TO THE POEM