Ikaw at ang Tula
ni Jorgina Delfin at JQ Gonzales 

Ang tula ay buhay
Aking hininga, aking awit
Gumagamot, humihipo
At nagduduyan
Sa pagod na puso
Ang tula ay bibig
At awit ng piping dibdib
Kalakasan ng walang
wikang diwa
kalayaan ng kulong na salita
Hininga ng tula'y
Bumubuhay sa akin
Sa gulod ng lungkot
Sa hirap at pagod
Ang dugo ng tula
Ay dugo ko rin
Kasabay ng ngiti at tibok
Bawat lagda at titik
Ito'y walang bahid
Ng liit, ng kulang
Ng kitid, ng labis
o laki man
Ito'y laging buo
Ito'y laging angkop
Ito'y aking buhay
Salita may kulang