Larawan
ni JQ Gonzales
[inspirado
mula sa mga pahina ng espina de la rosa]
larawang
nasisilayan
pagkagising sa umaga
mahamog pa ang kapaligiran
larawang umaapaw ng kagandahan
laging dinadalangin
ang larawang angkin
sana'y maging katotohanan
makadaupang palad ang mutyang mahinhin
sa pangarap
nakakausap tuwi-tuwina
maraming mga bagay-bagay
binibigyang
pansin
larawan ka nga
pero buhay ka
pintig ng iyong puso'y
nadarama'ng pagkalinga
sa larawan na lang ba
ang hangganan
sa panaginip lang
ba ang hantungan?
10.16.98
|