Ang Paraiso ng Banal na Dambana

moth.gif (5464 bytes)
Sa isang kislap mata
Ay pagsinta ang nabadha
Maganda mong larawan
Ay kay ganda at marikit
Hubog ng iyong katawan
Ay sadyang maalindog
Ang iyong mga ngiti
Ay tulad sa mga kislap ng bituin
Ang iyong mga mata
Ay nagbabadya ng pagmamahal sa kapuwa
Sa iyong paglakad at pag-indak
Ay sadyang nakakabighani
Oo, ikaw lamang ang bulong
Ng aking kaluluwa
At inspirasyon sa aking landas
Sa Bibliya at panalangin
Ikaw ay may disiplina
Dito lamang sa IRC
Kita nakakaulayaw
Nawa’y maging tunay
Na ikaw at ako ay
Makarating sa banal na dambana
Sa paraiso ng hiwaga

LISTEN TO THE POEM