Filipino Pride

Natatandaan mo pa ba noong tayo ay nasa flag ceremony? Tapos we recite the Panatang Makabayan, sa isip, sa salita, sa gawa. Anyway, I was in the Philippines trying to make something new, nakipag-sapalaran and I have noticed a lot of changes in the country lalo na sa ating mga kabataan.

Just like me. The way I talk, the way I act, sometimes I don’t remember how I was transformed the person I am. Mayroon pa ba akong katauhan o identity? Paano na ang pangarap ng kahapon kung ang bukas ay di naman tumatangi sa ngayon?

Nakapagtataka talaga ang ating lipunang Pilipino. Saan ba nasusukat ang kalayaan kung tayo ay nakatanikala sa impluensiya ng dayuhan?

Kabataan, ang pag-asa ng bayan, ani ni Gat Jose Rizal. Ang kabataan ngayon ang tagapagmana ng ika-21 na siglo, nakasalalay sa kanila ang pag-asang makaahon sa kanyang pagkabaon sa kahirapan kung magsikap siyang ipamahagi ang kanyang kaalaman sa kapakanan ng kanyang bayan, at kung ang pamahalaan ay pangalagaan nito ang kasalatan ng edukasyong teknikal at information technology.

Kung ang kalayaan ay kayamanan ng bayan, paano ba nasusukat ang kalayaan? Nasa GNP ba o nasa kaisipan o kaluluwa ng bawat Pilipino ang ibig sabihin ng kalayaan? Quoting from a dayuhan, “Ask not what your country can do for you, but ask what you can do for your country.”

Prepare to think globally but preserve your cultural identity. Continue the legacy of the Filipino.

One thought on “Filipino Pride

Comments are closed.