Tandaan..

O Para kang nasisiraan ng bait, kanina ka pa ikot ng ikot sa kwarto mo? Alam mo na hinde tama yan diba? Tama na. Na aalala mo siya no? Tama ba ako? Ganon mo ba talaga siya ka miss? Ano ba ang nakita mo sa kanya ha? Siguro sa pakikipagusap niya sayo no? Tama ako no? Sabi na nga ba yun ang dahilan bakit nagkakaganyan ka e. Yun ba? Diba sabi mo hinde ka na iibig, hinde mo na ibibigay ulit ang puso mo, and hinde ka na magpapaka sira ng bait ng dahil sa isang lalake. Sabi mo matatag ka na? Alala mo ba? pakiusap tandaan mo naman sana.

Tinawagan ka niya no? O tumawag ba? Sigurado narinig mo yung boses niya ano, yung boses niya na pag narinig mo na, nakakalimutan mo pangalan mo. Ang tinig niya na hinahanap mo sa gabi, kahit sa iyong pagtulog. Bakit ba lagi mo tong ginagawa sa sarili mo? Kala ko ba natuto ka na pagkatapos ng nangyari sayo? Sabi mo hinde mo na bibigyan ng pagkakataon na masaktan ang puso mo diba? Sabi mo hinde ka na iiyak, hinde mo na hahayaang mag ka drama ang buhay mo uli, sabi mo ayaw mo nang madama ang sakit. Natatandaan mo ba? Pakingan mo naman ako, wag mung hayaang mahulog na naman ang loob mo, alam mo hanga na nga ako sayo, ang layo na nga ng nadating mo, mahusay ka na ngayon, hinde mo na sinasali ang puso mo, and lagi mong ginagawa ang tama kahit masakit, wag mong hayaan makuha niya ang puso mo! Naririnig mo ba ako? Wag mong ibibigay ang puso mo! Alam ko hinde ganun kadali yun, pero ayaw kong makita na masaktan ka uli, marami ka ng dinaanan.

Nakita na kitang halos masira ang buhay mo ng dahil sa isang lalake. Nandun ako ng ibigay mong unti unti ang kapiraso ng puso mo sa bawat minahal mo, bawat ginusto mo, bawat lalake na inisip mong tama para sayo. Tama na parang awa mo na, hinde ko kayang tignan ka pang masaktan ulit, lumuha ulit, magmahal ulit, mag isa ulit, at madapa muli. Kasama mo ako nung mahirap harapin ang buhay, nung nahihirapan kang makita ang landas mo, nung madapa ka at tumayo ka, para magsimula ulit. Tingin ko kailangan mong matiyak na siya ang tama para sayo, na mahal ka nga niya, na tutuo siya sayo, isang tao na matapat at mamahalin ka ng katulad sa pagmamahal na hinahandog mo. Ano sa palagay mo? Di ba yun ang karapat dapat sa isang katulad mo. Ihinto mo na ito! Ihinto mo na ang nararamdaman mo, habang pwede mo pang protektahan ang puso mo, sana tandaan mo Zel, pakiusap tandaan mo…

Halika magpahinga na tayo alam ko pagod ka na. Kalimutan mo na muna siya at itutok mo ang utak mo sa mga ambisyon mo, sa mga pangarap mo. Lahat ng mga pangarap na sinabi mong tutuparin mo bago ka mag trenta. O ano ok ka na ba? Sige tara pahinga na tayo, meron pa tayong bukas para magusap, ngayong gabi matulog tayo, ikaw at ako, magkatabi sa pagtulog. Goodnite Zel.

One thought on “Tandaan..

  1. Isang talinghaga ang inaasam-asam nyang pangarap pero lalo syang naging matatag sa bawat bagwis ng sawimpalad. Si Zel ay isang halimbawa ng babaeng nagnanasang makaalpas sa nakaraan. Di na sya mahina sa mga pagsubok na darating. Handa ng makipaglaro sa laro ng buhay.

Comments are closed.