ni J.Q. Gonzales
Nadatnan ni Angelo si Criselda sa kanilang bahay na naghihintay sa kanya. Mayroon silang pag-uusapan. Magiliw na pinapasok ng dalaga ang binata.
Si Criselda Mijares, isang edukada na mula sa isang marangal na pamilya. Nagtratrabaho sa opisina ng isang Congressman. Marami siyang nakakamit na karangalan dahil sa kanyang magandang paglilingkod sa pamahalaan. Maraming bumabatid sa kanya ng pagsinta mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.
Kahit malapit na niyang malampasan ang mga petsa sa kalendaryo, masaya pa rin ang dalagang naghihintay ng magandang kapalaran. Pangarap niyang makakamit ng ng kayamanan mula sa kanyang pawis at tiyaga. Gusto niyang magkaroon ng sariling kotse, sariling bahay, mamahaling mga damit, at kahit na anong ninanais niya. Marami rin siyang mga regalong natatanggap mula sa kanyang mga manliligaw pero di pa rin siya kuntento. Ano kaya ang kulang sa buhay niya?
Si Angelo Villegas ay isang malapit na kaibigan ni Criselda. Nakapagtapos si Angelo sa University of the Philippines ng mass communications. Makisig na lalake, talentado, mapagmahal sa “kapaligiran” at mga magagandang bagay, mapag-isip, mapagbigay, at isa siya sa mga tanyag na pangalan sa media. Siya ang creative director at isa ring contributor sa Freedom Press. Ang pahayagang ito ang binabasa ng karamihang Pilipino lalo na sa mga radikal na estudyante. Dalawampu’t limang taong gulang si Angelo. Marami sa mga kababaihan ang pumupuri kay Angelo at kinabibilangan ni Criselda.
Sa dinami-dami ng humahanga sa kanya ay naguguluhan ang binata. Naisipan niyang ilathala ang mga katangian ng babaing kanyang pipiliin na magmamay-ari ng kanyang nag-iisang puso. Parang mahihirapan niyang hanapin ang babaeng nagtataglay ng ganitong mga katangian. Kapag nahanap na niya ito, siya ay mapalad.
Para kay Angelo ang isang babae ay katugma ng kanyang paningin sa buhay, nangangarap rin, maganda, masipag, matalino, maka-Diyos, at umiinog ang kanyang kadalisayan sa mundong ginagalawan.
Sa tahanan ni Criselda natagpuan ni Angelo ang kaibhan ng dalaga sa mga babaeng nakilala niya. May mga sandaling sila’y walang imik. May sandaling sila’y nagtatawanan. Kung sana lang ay malaman ng bawat isa kung ano ang tunay na laman ng kani-kanilang damdamin…kay hiwagang pag-ibig ang nasa kanila.
“O Angelo, kumusta ka na?” bati ni Criselda.
“Eh..eh…ganito lang ang buhay. Oo nga pala, may proposisyon ako sa darating na eleksion. Kumusta ang campaign niyo nina Congressman? Magrere-elect siya di ba? Gusto ko sanang makatulong sa ad campaign ninyo para mas epektibo.” iminungkahi ng binata.
Inabot sila ng madaling araw sa pag-uusap at nagkalapit ang kani-kanilang pagkatao. May sandaling sila’y nagtatawanan sa mga iba’t ibang klase ng biruan lalo na yung mga pick up lines
ni Criselda na ibinabahagi niya kay Angelo. At may sandaling mga nakakalungkot kapag si Angelo’y nagsasalaysay sa kanyang kahapon at ganun rin si Criselda. Nagkasundo silang gawin ang ad campaign ng Congressman. Si Criselda ang project coordinator at si Angelo ang creative director.
Nagtulungan ang dalawa sa kani-kanilang alituntunin. Di akalain ni Criselda na napakahusay ni Angelo sa kanyang gawain at sa nang marinig niya ang kakaibang boses nito para sa voiceover sa radio, nagkaroon siya ng pagkalinga sa binata. Naging matagumpay ang kampanya dahil sa kaalaman ni Angelo sa kanyang propesyon. Niyaya ni Angelo si Criselda sa Aristocrat Restaurant sa may Roxas Boulevard. Hindi binigo ng dalaga ang alok ng binata.
Kasulukuyang pinapatugtog ang kantang Nandito Ako ni Lea Salonga. Makulay ang kasuotan ni Criselda. Walang kapara sa mga ibang Manilenya sa angking kadalisayan. Ang kanyang mga matang kung masinagan ay kumuti-kutitap, ang kanyang mga pisnging nangungulay-rosas, ang kanayang mga bibig na matamis hagkan, at ang kanyang boses nakakasiphayo.
“Okay Criselda, I would like to propose a toast,” iminungkahi ng binata.
“Let’s have it,” sagot nito.
“Criselda, this toast is for our victory. Thanks for being an excellent leader, and a team player. Naiiba ka. Mapalad ang lalaking makakatagpo sa iyo.” Pumula ang dalaga. Di niya alam kung ano ang isasagot nito.
“It’s my pleasure. Alam mo ba Angelo, mapalad din ang babaeng makakatagpo sa iyo.” Sinubukan niyang huwag ipahalata ang nadarama nito sa binata pero di na niya nahintay ang sagot nito. Hinawakang mahigpit ni Angelo ang kamay ni Criselda.
“Criselda, siguro di mo alam ang tunay na nararamdaman ko para sa iyo. Mabuti ka at ako’y nagagalak na ipaalam sa iyo na mayroon akong angking pagmamahal sa iyo. Ngayon na alam mo na ay mayroon kang karapatang ako’y iyong biguin o iyong tanggapin,” seryosong tinitigan ni Angelo ang mga matang nagagalak ng dalaga.
“Angelo, dederetsuhin na kita para huwag ka nang maghintay o mainip pa sa aking kasagutan. Sa una pang pagkapako ng aking mga mata sa iyong pagkatao, natutunan na kitang mahalin. Pinagtagpo tayo ng ating mga pangarap.”
Kay saya ng gabing iyon sa dalawang nagmamahalan at ninasang ang gabi’y huwag nang abutan pa ng sikat ng araw at ang pag-inog ng mundo’y huminto para lang sa kanila.
tapos? anong nangyari?……
may karugtong pa ito kaya lang may trahedya.
trahedya? gaya din nang sang damakmak na kwento ng pag-ibig…
oo, trahedya. mapait ang sinapit nya talaga. abangan na lang.
kahabag-habag naman sila. sige abangan ko…parang komiks…ITUTULOY…
pangkomiks talaga.