It will take awhile after you finish this story…. maaaring
mabagot, maaaring tamarin pero sana tapusin ninyong basahin …. and
I’m sure you’ll remember something.
Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN…
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan; Walang mga
bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron gumamela lang; 10
sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang pggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay
Maestro/a: Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo
kakilala. Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o
kaya sa tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s
office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple
lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga
anak…
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala
namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-
trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga
gulong, “sketeng” (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at
de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang
na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-
lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro
nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro,
Champion (kahon-kahon yon!)May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo
para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka
sa palakang saging dahil sa kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan
mong tsinelas – suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng
kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology…
di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw! Sana
pwedeng maibalik…
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict at masasamang loob… Noon takot lang tayo sa ating
mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na
mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara… Na
una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang
mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game
boys. Tayo noon… Doon…
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang
buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga
daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa “Mga Aninong Gumagalaw”
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin,
kasi wala namang calculator. Abacus lang ang meron tayo…
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa
kama; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake
at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya; Nginig na tayo pag
lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para
hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman,
bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal
noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa
hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at
pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata… Estigo
santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot
sa “berdugo” at sa “kapre”; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale
ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo? Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay –
alembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending
Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung
gusto mo naman – pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
Puriko ang matika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga
mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy. Madami pa…
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng
daliri para sa sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may
siling labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo
ang daliri kasi puno na ng kanin… Halo-halo: yelo, asukal at gatas
lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli
ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa
eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa
white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda
at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng
sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…
May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala
kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa
ba? Wala nag sasaya at gaganda pa sa panahon na yon… Masaya noon
at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon…
Di ba noon…
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “sino ba sa dalawang
ito? Ito ba o ito?”… Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de
almasen. How how the carabao batuten…
Presedente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-
mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-
isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang
tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay,
nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal
sa tabi.
Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
>Nasa iyo ang susi… paki-buksan lang kaibigan…
Peace and progress, I wish they happen alongside each other. Sana matamasa ng Pilipinas ang dalawang ito ng sabay. Magtulungan tayo.
It’s all alright, it’s nice, can you decorate or design it normal design?