HUMOR
DIARY OF A PINOY IN THE UNITED STATES
DEC. 14 – AY SALAMAT …. WE FINALLY ARRIVED IN AMERICA FOR THE FIRST TIME. NAPAKAGANDA PALA NG STATE OF MONTANA, MARAMING GOLDEN LEAVES SA PUNO AT GROUND. TAMANG TAMA DAHIL MAY NEWS NA MALAPIT NANG MAG-SNOW …….. MAKAKARANAS NA RIN AKO SA WAKAS NG WHITE CHRISTMAS …..
DEC. 15 – MY WIFE AND I SAT BY THE WINDOW ALL DAY …… TULALA KAMI, PARA KAMING NANANAGINIP, HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALANG NANDITO NA AKO SA AMERIKA AT PINAPANOOD ANG MGA SNOWFLAKES NA UNTI UNTING BUMABAGSAK MAGMULA SA ULAP, COVERING THE TREES AND THE GROUND. LIKE THE CHRISTMAS CARD MY SISTER SENT ME. I THANKED MY SISTER FOR CHOOSING THIS BEAUTIFUL STATE OF MONTANA TO PRACTICE HER MEDICINE.
DEC. 16 – NAGISING AKO SA NAPAKAGANDANG CRYSTAL WHITE SNOW COVERING THE LANDSCAPE. WOW. TINIKMAN KO YUNG SNOW PARANG KINASKAS NA YELO PERO HUWAG KO RAW KUNIN YUNG YELLOW SNOW DAHIL IHI DAW YUN NG DEER….. WHAT A FANTASTIC SIGHT. I ENJOYED SHOVELING MY SISTER’S DRIVEWAY ….. PARA AKONG BATA. A SNOWPLOW CAME BY AND ACCIDENTALLY COVERED UP THE DRIVEWAY. KUMAWAY IYONG DRIVER. HE REMINDED ME OF SANTA CLAUS. KINAWAYAN KO RIN SIYA …… PERO SIGE PA RIN ANG PALA KO ….. I ENJOYED EVERY MINUTE OF IT. NO PROBLEM …..
DEC. 17 – WOW ….. NAKU …. 5 MORE INCHES OF SNOW. ‘YUNG TEMPERATURE BUMABA SA 5 DEGREES. THE SNOWPLOW AGAIN COVERED IYUNG DRIVEWAY NAMIN NG MATIGAS NA SNOW. NAKAKATUWA DAHIL NA COVER-AN AKO NG SNOW HANGGANG TUHOD ..PARA PA RIN AKONG BATA SA TUWA, PERO …..BRRRRR ……. NAPAKALAMIG …….
DEC. 18 …..MEDYO TUMAAS ANG TEMPERATURE ……..KAYA IYUNG MGA SNOW EH NATUNAW NG KAUNTI ….. PARA BANG KINASKAS NA YELO SA HALO-HALO ….. KAYA LANG MAYROONG MGA DIRT AT NAGING BROWNISH GRAY……..PERO NG BANDANG HAPON NA EH BUMABA ANG TEMPERATURE AT NAGING YELO . TUMIGAS AT BUMIGAT IYONG MGA YELONG NASA PUNO KAYA NAPUTOL ANG ISANG BRANCH NG PUNO AT IT FELL ON MY SISTER’S NEW CAR. MORE SNOW AND ICE PREDICTED….. NAKU …… SUMASAKIT ANG LIKOD KO SA LAMIG ……
DEC. 19 ….. BRRRRRR ….. NAPAKALAMIG. THE SNOW PLOW CAME BY TWICE TODAY.
FIRST HE COVERED THE STREETS WITH SAND ….. PARA HINDI RAW MADULAS ….. THEN CAME BACK AND PUSHED THE SNOW AND ICE MIXED WITH DIRTY SAND ON THE DRIVEWAY AGAIN. (SA LOOB-LOOB KO KUNG SA PILIPINAS ITO ……… SIGURADONG PINAGMUMURA KO NA IYONG DRIVER).DEC. 20 ….. POWER WENT OFF DUE TO THE COLD SPELL . SINISIPON NA KAMING LAHAT DITO. NGAYON KO LANG NALAMAN KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM NG MAY RAYUMA, MASASAKIT PALA ANG MGA BUTO, GINAMIT NAMIN IYONG KEROSENE HEATER NA SA KAMALASAN EH NABAGSAK SA KINALALAGYAN. PUTRAGIS …… NASUNOG YUNG MGA KILAY AT PILIK MATA KO. MALAS TALAGA ……
DEC.21 … MORE SNOW PREDICTED …… WIND CHILL OF MINUS SEVEN DEGREES PREDICTED. TUMUTULO NA IYONG BUBONG NG UTOL KO KASABAY NG TULO NG UHOG KO. LAHAT NG PLUMBING PIPES AY FROZEN. NAKU ……LINTIK NA BUHAY ITO …… WALANG KATULONG, WALANG ALALAY. PAG BUMALIK PA IYUNG HAYUP NA SNOW PLOW, SASALUBUNGIN KO NA SIYA NG PALA AT PAGMUMURAHIN KO .. ANO BA SA INGLES ANG “WALANGHIYA KA” AT “PASAWAY KA” ? ….
DEC. 22 – ANAK NG PATING …….. ANG GINAW. ………INABANGAN KO IYUNG SNOWPLOW, DUMATING AT SINAKSAK KO YUNG DRIVER PERO NAKAILAG AT NAKATAKBO ANG DAMUHO,…..(ALAM KO NA NGAYON KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM NG ISANG NAG-HUHURAMENTADO). SINIGAWAN NIYA AKO NG “MADA PAKA” AT SIGAW KO NAMAN “MADAPA KA RIN SANA”, HINDI KO MAHABOL DAHIL ANG SAKIT NG MGA BINTI AT PAA KO…. DAHIL NANINIGAS SA LAMIG AT LUMALABO ANG PANINGIN KO … NABUBULAG NA YATA AKO AT ANG UHOG KO NAGYELO NA RIN, HINDI AKO MAKAHINGA ….
DEC. 23 ….. ANAK KAYO NG LELONG NYO .. KAYO NA LANG DITO . UUWI NA AKO SA PILIPINAS !