Dan Torres

Si Danilo “Dan” Torres, isang bicolano, nagpunta sa US para mag TNT.

Pumasok sya ng convenience store para bumili ng yosi.
Pagdating sa counter, sabi ng cashier, “MASTER? VISA?”

Namutla si Dan! Sa isip-isip nya “Patay! Hinahanap ang visa ko!”
Dali-daling lumabas ng tindahan, sumakay ng kotse at humarurot ng takbo.

Paubos na gasolina nya kaya pumasok sa gas station at magpapakarga ng
gasolina.
“Unleaded?” tanong ng gasoline attendant.
“Unleaded” sagot ni Dan.
“Pay first.” sabi ng attendant.
Lalong namutla si Dan! “Patay! Hinahanapan ako ng papers!”
Iniwan nya ang kotse at dali-daling naglakad papunta sa phonebooth upang
tawagan ang kapatid nya sa New York .

“AT&T May I help you?” sagot ng operator.
Pinagpawisan ng malamig si Dan! “Pati operator alam na TNT ako!”

May nakapilang pulis na gagamit din ng telepono at tanong sa kanya… ” Are
you done?”
Napatitig na lang si Dan sa pulis! “Kilala niya ako? Alam niyang DAN ang
pangalan ko!” sa isip-isip nya.
Nang di makasagot si Dan, tinanong uli sya ng pulis, “Are you a tourist?”
Nanghina si Dan dahil pati apelyido niyang Torres ay alam din ng pulis!
At nang hihimatayin na sya, inalalayan sya ng pulis at sabi “Be cool!”
“Inang ko po! Alam din nyang taga Bicol ako! WAAAHHHH! Uuwi na lang ako sa ‘pinas!”

Moral op da istori:
Wag kang mag ti-TNT sa istets!