Bakit ganun Itay ang bayan kong sinilanga’y nagdarahop? Nagsisi-alisan ang mga may dunong angkin? Lumuluha ang aking budhi na sana’y di ganito ang ating lipunan. Ano ang ipapamahagi natin sa ating mga lipi? Sana tunay na tayong maging malaya. Malaya sa pagdarahop, malayang makipagsimula ng bagong buhay. Ina kong Bayan, lumuluha ka’t mga anak mo’y sinakmal ng sistemang kumikitil sa iyong pag-usbong. Tumayo ka’t paluin mo sila ng patpat para lumingon sa iyo’t maging mabuting anak at di na susuway sa kagustuhan mo.
Itay andyan si Inay, hanguin mo sya’t iwasto ninyo ang mga anak nyong nagpaparaya sa kalabisan ng kanilang pagkawalay sa ating paningin. Mga kapatid ko kailangan ko silang gisingin. Nasilaw na sila ng ningning ng salapi, katanyagan, at kapangyarihan. Manumbalik kayo at magsimula ulit tayo.